ANG POLONPOLON MULA SA LEMURIA

FEBRUARY 10 – 26, 2018

Mga Kasalukuyang KahiwagaanL:

Ang Polonpolon mula sa Limurya ni William Gaudinez

Sa kanyang eksibisyong, Ang Polonpolon mula sa Limurya, naipapakita ni William Gaudinez ang kahalagahan ng panunumbalik sa mga sinaunang simbolo upang bigyan ng dalumat at bagong konteksto ang mga saloobin ukol sa kinagisnan at paroroonan. Sa kanyang mga mumunti-munting retablo at iskultura, isinasakatuparan ni Gaudinez ang paniniwala ng mga sekta sa Bundok Banahaw na ang kapuluan ng Pilipinas ay galing sa kontinente ng Lemuria na sinasabing tigib sa misteryo at modernong sibilisasyon bago ito gumuho sa karagatang Pasipiko o Indiano. Binabalangkas ni Gaudinez ang mga signos ng nakaraan sa mga payak at polklorikong bagay upang mabigyang diin na ang pag-aanyo sa sarili ay kailangan nakatingin sa pre-koloniyal na nakalipas. May kaalaman tayong hindi dapat mawaglit. Ang kanyang pag-aangkin ng mga bagong simbolo (tulad na lamang ng mga reaksyon sa Facebook) ay nagpapatunay na ang sariling ito ay bukas din sa kontemporaryong daluyong—isang pagsasanib na nag-uudyok sa isang sala-salabid na realidad. Tuwing bubuksan at ipipinid, may supresa ang bawat obra. Walang kailangang susi ang kahiwagaan.

Contemporary Mysteries:

Ang Polonpolon mula sa Limurya by William Gaudinez

In his exhibition, Ang Polonpolon mula sa Limurya, William Gaudinez demonstrates the importance of restoring age-old symbols in order to experience and inflect new context to conceptions of origin and destination. In his small sculptures and altarpieces, Gaudinez makes evident the belief of the sects in Mt. Banahaw that the islands of the Philippines are the remnants from the continent of Lemuria said to be steeped in mystery and advanced civilization before it sunk into the waters of either the Pacific or the Indian Ocean. Gaudinez structures the signs of the past in his simple and folkloric objects to emphasize that the formation of a self relies on looking at our pre-colonial history. We have bodies of knowledge we need not set aside. His appropriation of new symbols (such as the Facebook reactions) proves that that this self should also be open to contemporary flow—a unity that prompts a hybrid reality. Each time one opens or closes his work, it offers an element of surprise. One doesn’t need a key in order to unlock mysteries. –Carlomar Arcangel Daoana