Sumibol sa tuhod ng bundok Dulang Dulang tapat ng bundok Kalatungan, ang magkaibigang sina Raul Bendit at Chong Tecson. Kilala bilang mga Talaandig ng Bukidnon, nagkamalay at lumaki sila sa gitna ng malalagong gubat, malalaking mga bato, kweba at talon, sa piling ng mga hayop at halaman, tulad ng lahat ng kanilang mga ninuno mula noong unang-unang panahon.
Sinasalamin ng mga likha nina Raul at Chong ang kanilang pamumuhay, hindi lamang sa materyales kundi maging sa pagbuo ng mga imahen at paglalapat ng mga kuwento sa bawat representasyon. Mararamdaman sa tekstura at hagod ng kanilang mga obra ang dalawang nagtutunggaling pakiramdam – ang una, ang tuwa at ligaya na ang buhay ay sagana at payak sa kanayunan; pangalawa, na nasa panganib ang pamumuhay na ito dahil sa paninira ng kalikasan ng mga dayong korporasyon at plantasyon.
-Janine Dimaranan
-
Ani ng Mais
RAUL BENDIT
Soil on canvas
36 x 24 inches
2023 -
Coffee Harvesting
RAUL BENDIT
Soil on canvas
23.2 x 31 inches
2023 -
Magkaugnay
RAUL BENDIT
Soil on canvas
28.3 x 48 inches
2023 -
Ugoy ng Pulala (Flute)
RAUL BENDIT
Soil on canvas
29 x 48 inches
2023 -
Dilig ng Inang Kalikasan
RAUL BENDIT
Soil on canvas
31 x 48 inches
2023 -
Bagani
CHONG TECSON
Soil on canvas
37 x 49 inches
2023 -
Anuma ki Inay
CHONG TECSON
Soil on canvas
10 x 14.27 inches
2023 -
Breakeven
CHONG TECSON
Soil on canvas
37 x 49 inches
2023 -
Mothers as Cultural Bearers
CHONG TECSON
Soil on canvas
37 x 49 inches
2023 -
Piece of Mind
CHONG ECSON
Soil on canvas
24 x 36 inches
2023